Postcrossing uses cookies to help deliver its services. By using this website, you agree to its use of cookies. Learn more.

About Postcrossing

Learn all about Postcrossing.


Ang proyekto

Ang layunin ng proyektong ito ay mabigyan ng pagkakataon ang mga taong makakuha ng postcard mula sa iba't-ibang parte ng mundo sa isang madaling paraan. Sa madaliang salita, kapag nagpadala ka ng postcard, makakakuha ka rin ng isa (o higit pa) galing sa isang Postcrosser na nanggagaling sa isang bansa.

Bakit? Tulad ng mga tagapuno ng website na ito, gusto rin ng maraming tao ang makatanggap ng totoong liham o postcard.
Ang pinakamagandang nararanasan na isang taong nabigyan ng postcard na mula sa iba't-ibang lugar sa mundo (na maaaring karamihan ay mga lugar na hindi ka pamilyar) ay nagdadala ng sorpresa sa mailbox mo -at sino naman ang hindi makakagusto roon?

 

Paano ba ito gumagana?

Una, sa madaliang salita:

  1. mag-request ng address na galing sa website
  2. ipadala ang postcard sa address
  3. hintayin na makakuha ka ng postcard
  4. i-register ang nakuha mong postcard sa system

Ang unang dapat gawin ay mag-request na magpapadala ka ng isang postcard. Ipapakita sa website (at isesend sa iyong e-mail) ang mga detalye, kasama ang address ng isang miyembro at ang Postcard ID (e.g.: PH-786). Pagkatapos, ipapadala mo ang postcard sa miyembrong 'yon.

Matatanggap ng miyembro ang postcard at i-reregister niya ito sa website sa pamamagitan ng Postcard ID na isinulat mo sa postcard. Pagkatapos, maaari kang makatanggap ng postcard mula sa ibang miyembro. Maaaring ikaw na ang susunod na mabibigyan ng postcard. Kung saan mang manggagaling ang postcard ay isang sorpresa!

Makakapagpadala ka ng hanggang limang (5) postcard nang sabay-sabay. Tuwing na-reregister ang isa sa mga postcards na ipinapadala mo, makaka-request ka ng isang address. Tataas ang bilang ng postcards na pwedeng mong isend ng sabay-sabay kapag mas marami ang postcard na ipinapadala mo!

May tanong? Tingnan ang help section, o ang forum.

Translated by the member maita.